Friday, June 12, 2009

kwentong TAE!!

knina..habang nasa CR ako..napg-icp-icpan kong masarap pala tumae sa CR sa ofc..hahahah!! tas bigla kong naalala na ndi lang pala ako sa ofc tumatae or natatae..dami ng pagkakataon na natae ako sa kng sang2 lugar. eto ang aking kwentong TAE.

TAE revelations #1: Grade 1 ako, habang tinturo ni Maam Olivar ang A E I O U, nakaramdam ako ng ndi magandang pakiramdam. At dahil bata pa ako, ayoko mgkubeta mag-isa sa kubeta sa school, public school po ito, kaya walang flush flush at mgttabo ka para mabuhusan ang ang takubets. Nahhiya ako non lumabas mag-isa, at ayaw naman akong smahan ng bespren ko para mg-cr.. at parang ayoko din mgtaas ng kamay para mag"me i go out.." Nasa letter O na kame at tuwang-tuwa sken ang teacher ko dahil ang ganda daw ng pagkakaO ko. Sinabi pa nya sa buong klase na "Tignan nyo si Zarina, O na O." Natapos ang O..bigayan na ng ID lace..ang klasmeyt kong mabait ay biglang nagulat ng dumating sya sa side ko "AY!! TAE!!!" Tinanggi ko pa na sken yon, sbi ko "Hindi sken yan ah" HAHAHAHAHAHAHAH!! Eh hindi ko naman kc akalain na saken pala ang taeng yon..hugis IGOR tlga xa (un nabbili sa blue magic) at nsa lapag na at medyo malayo pa sken..hindi ko alam kng pano napunta don ang tae ko, eh ndi nga ako gumagalaw dahil taeng-tae na ako. Pag naiicp ko ngayon ang kalokohan ko, ndi ko maimagine na magagawa ko yon. Pinatawag ang ate kong nasa grade 3 para tulungan ako maghugas. Umuwi ako na may tae sa palda =))

TAE revelations #2: College na to nangyari. Habang nasa Sta. Cruz kame ni Nanay at namimili ng kung anu2ng paninda, naramdaman ko na naman ang kakaibang pakiramdam. Parang nanlamig ang buo kong katawan at lalo pang lumala ng naicp kong nasa isang lugar kame na walang maayos na CR. OHH NOHH!!! AT nangyari na ang hindi inaasahan.. Hindi na ako nakatiis at natae na din ako sa underwear..yakkkk tlaga!! Habang nasa CR kame ng Plaza Fair, bumili ang Nanay ko ng tabo, sabon, alcohol, panty at jeans para makapgpalit ako. HAHAHAH!! EWWWNESSS

TAE revelations #3: Nagtatrabaho na ako nito. Pupunta kame sa Boracay of Cavite bilang farewell party ng aming friend. Umagang-umaga, kmain ako ng yangchow with pork siomai at may chili. Hindi knaya ng tyan ko ang CHILI. Nasa Baclaran Chowking kame nun..pero naicp ko na matitiis ko pa ito.. Kaya sumakay na kame sa Van papuntang NAIC. At hayun..habang bumibiyahe kame, naramdaman kong smsksit na tlga ang chan ko. Ayoko naman ututan ang VAN dahil gudlak naman sa mga naksakay. Nakarating kame sa isang lugar na may pala-isdaan at squatters area. Dahil nakakita ako ng Multi-Purpose Hall, pumara na kame ng "then boyfriend" (husband ko na ngayon) kong c Jayson. Gosh..taeng-tae na tlga ako. Pagpunta namen sa Hall, nakalock ang CR. Wala daw don ang may hawak ng susi. Pumasok kame sa iskinita ng mga bahay2 at ngtanong2 kng san me CR. Yun natanungan kong lolo na may hawak na baby, sbi nya walang CR sa mga bahay don.. Pero nakita nya cguro ang mukha kong putlang-putla at tinuro kame sa isang ginagawang bhay pa lang na may CR, pero gnagwa pa din ang CR. NAkikatok na tlga kame.. walang hiya-hiya.. Patigasan na tlga ng mukha kesa naman umabot ang igor sa legs ko. Sbi pa ng Ale na may-ari ng bahay, "pagpasensyahan mo na neng, medyo gngawa pa lng yan." SUCCESS!! pero kadiri, dahil meron na namn bumagsak bago ako nakaupo. Buti na lng meron akong napkin. Parang bumagsak na nga lahat sa napkin, yakkkkkk!!! Sinabi pa ng may-ari na xa na lng mgbbuhos dahil kulang sa tubig ang lugar nila. Nglalaba kc xa ng mga panahong yon. Binuhusan ko na rin hanggang lumubog dahil nakakahiya tlga. Ngpasalamat ako ng sobra2 sa may-ari ng bahay.. Habang biyahe, naka2 baba pa kame sa Gas Station para tumae..ngtatae na tlga ako nito.

TAE revelations #4: SA CR ng pinapasukan ko noon. Regular naman akong tumatae doon pero iba nung araw na yon. sira ang kubeta. Imbis na lumubog ang tae pagkaflush, umapaw ito..at alam nyo na ang sumunod na nangyari. HAHAHAHA!! Paglabas ko, nilock ko ang CR para wala ng ibang makapasok.


Marami pa akong ibang experience sa TAE. Nakatae na ako sa megamall (bumibili ako ng bottled water para gawing tabo, sabon, tissue at alcohol), nakatae na ako sa Trader's Hotel (college pa ito habang meron kameng presentation ng system), sa school (pumupunta pa ako sa Nurse) at nun first time ko pumunta sa bahay nila Jayson (ang layo naman kasi).

Ito po ang aking kwentong TAE. pag may naalala pa ako, idadagdag ko na lng

EWWWNEEESS to all!!!

No comments: